Di maalis ang ngiti sa mga labi ng butihing Ate Vi, na tila nasapian ng kapangyarihang diwatang mababanaag lamang sa sweet na sweet na si Chakaleyt.
“Magpa-Tenga ka naman…” ang sabi ni Nini kay Ate Vi na masayang masaya na nakuha ang cellphone number ni Joker Bentura – ang crush ng community sa D’touristas.
“Tse!” ang tanging sagot ng mahadera.
“Ito naman. Forever ka na lang pahirapan sa pag-order ng tenga. In heavens ka naman. Ba’t di mo i-share?” sundot naman ni Diyosa.
“Lech!” tugon ng nakangiti pa ring si Ate Vi.
Sa kabilang mesa, makikita naman ang kasweetang ginagawa kay Winona na forever winner dahil sa angking kagandahan.
“Kaya naman pala di nabebenta ang Crispy Tenga namin… mas masarap pala ang tenga ni Winona. Ahihihi,” ani ni Nini.
“Hay nako, di mo ako makukuha sa mga parinig mo,” sagot muli ni Ate Vi.
Maya maya ay pasimpleng lumapit ang baristang si Newton kay Nini at may binulong rito. Dali-dali namang tumayo si Nini na tila nabahala sa narinig.
“Anech?” ang paguusisa ni Ate Vi ng makabalik si Nini.
Bakas ang patuloy na pagkabahala, hindi umiimik si Nini kahit paulit ulit ang pagtatanong ni Ate Vi…
“Ay nako, malalaman at malalaman din natin yan. Sabi nga ni Chakaleyt, ‘May tenga ang lupa, may pakpak ang bakla.’” ang hirit naman ni Diyosa.
“O sige na, umorder ka na ng tenga” ang nasambit ng matanong na mahadera.
“Yehey,” ang sabay na nasambit nina Nini at Diyosa na may kasamang klapeypey.
Ang Mahiwagang Tenga. Galing di ba?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment